Professional Basketball License ni Calvin Abueva ibaballik na ng GAB

Photo by Tristan Tamayo INQUIRER.net

Nagpasya ang Gaming and Amusement Board (GAB) na i-reinstate na ang Professional Basketball License ni Calvin Abueva.

Pero naglatag ng mga kondisyon ang GAB na kailangang sundin ni Abueva para sa reinstatement ng kaniyang lisensya.

Ayon sa GAB, una ay kailangang sumailalim muna si Abueva sa seminar hinggil sa Code of Ethical Standards of a Professional Athlete at lumagda na tutupad siya dito.

Pangalawa ay kailangang sumailalim sa mandatory drug test si Abueva bilang bahagi ng medical requirements.

Ayon sa GAB, ilang ulit nang humingi ng tawad si Abueva at nangakong hindi na gagawin ang mga pagkakamali niya.

Si Abueva ay kasalukuyan nang nasa PBA “bubble” sa Clark, Pampanga para sumailalim sa training kasama ang iba pang manlalaro ng Phoenix Fuel Masters.

Hindi siya mapapayagang maglaro sa pagsisimula ng PBA sa Oct. 11 hangga’t wala ang kaniyang lisensya.

 

 

 

Read more...