Mga kaalyado ni Marinduque Rep. Velasco na may hawak ng posisyon sa Kamara hinamong magbitiw

Pinagbibitiw sa puwesto ni Capiz Rep. Fredenil Castro ang mga kaalyado ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na may hawak na posisyon sa Kamara na bumaba sa puwesto.

Sa kanyang privilege speech sa gitna ng plenary deliberations sa 2021 proposed national budget, binalikan ni ni Castro ang mga pahayag ng kampo ni Velasco hinggil sa hindi paggalang ni Cayetano sa term-sharing agreement sa speakership post.

Dapat aniya isaisip at gawin na rin ng kampo ni Velasco ang patutsada ng mga ito kay Cayetano hinggil sa pagkakaroon nang palabra de honor at magkusa nang lisanin ang hawak na puwesto at ibigay sa mas karapatdapat.

Hindi na aniya kailangan na magkunwari ang mga ito habang pinagtataksilan ang mga kasamahan sa Kongreso at dinidiskaril ang kapulungan.

Dapat ayon kay Castro, ibigay na lamang ang posisyon mas karapatdapat at handang makipagtulungan sa liderato ng Kamara.

Kabilang sa mga kongresista na kaalyado ni Velasco na may hawak ng posisyon sa Kamara si House Economics Affairs Chair Sharon Garin na lantarang tumutuligsa sa kampo ni Cayetano.

Si Velasco naman ay chairman ng House Committee on Energy.

Ginawa ito ni Castro ang pahayag matapos tanggihan ng mga kongresista sa naganap na botohan ang alok ni Speaker Alan Peter Cayetano na magbitiw bilang lider ng Kamara kasunod naman ng kanilang pulong sa Malacanang nina Velasco kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Read more...