Global cases ng COVID-19 mahigit 34.4 million na

Umabot na sa mahigit 34.4 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Biyernes (Oct. 2) ay 34,463,930 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 313,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang US ay nakapagtala ng mahigit 46,800 na dagdag na mga kaso.

Mahigit 81,600 naman ang bagong kaso na naitala sa India.

Ang Brazil ay nakapagtala ng dagdag na 35,600 na mga kaso.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 7,494,097
India – 6,391,960
Brazil – 4,849,229
Russia – 1,185,231
Colombia – 835,339
Peru – 814,829
Spain – 778,607
Argentina – 765,002
Mexico – 743,216
South Africa – 676,084

 

 

 

Read more...