Coach Doc Rivers lumipat na sa Philadelphia 76ers ilang araw matapos umalis sa LA Clippers

Tatlong araw matapos umalis sa Los Angeles Clippers, nakipagkasundo na si Coach Doc Rivers sa koponang Philadelphia 76ers.

Ayon sa ulat ng ESPN, limang taon ang napagkasunduang kontrata ni Rivers sa Sixers.

Noong Lunes lamang inanunsyo ng Clippers na wala na sa kanila si Rivers matapos ang kabiguan ng koponan na makapasok sa Western Conference semi-finals ng NBA.

Kinumpirma naman ito ni Rivers at sinabing “disappointing” ang nagdaang season para sa Clippers.

Mula sa Boston Celtics, si Rivers ay naging coach ng Clippers noong 2013.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...