India nakapagtala ng mahigit 81,600 kaso ng COVID-19 sa magdamag

Umabot na sa halos 6.4 million ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag, mahigit 81,600 pa ang naitalang dagdag na kaso ng sakit sa naturang bansa.

Mahigit 5.3 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India, habang mahigit 943,500 pa ang active cases.

May naitala ding dagdag na mahigit 1,000 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 99,804 na.

Ang India ay pumapangalawa na sa US na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Pangatlo naman ito sa mga bansa na nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng nasawi.

 

 

Read more...