Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

Nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag dahil sa mga pag-ulan na naranasan.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 178.37 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (October 2) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 178.07 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.76 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.44 meters habang nadagdagan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.10 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 79.06 meters.

Samantala, ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Binga at Caliraya dams.

 

 

 

Read more...