2 sugatan sa pagsabog ng granada sa Jolo

jolo suluDalawa katao ang nasugatan sa pagsabog ng granada sa Jolo Sulu, Miyerkules ng gabi.

Nagtamo ng mga tama ng shrapnel sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang nakilalang sina Abdel Aziz Asiri, 30 taong gulang at Haidar Hasim, 28-anyos.

Ayon kay Brigadier General Alan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu, naganap ang pagsabog dakong alas-7:50 ng gabi sa Barangay Asturias, Jolo.

Bigla na lamang umanong inihagis ng hindi pa nakikilalang suspek ang granada na sumabog sa lugar at nakasugat sa dalawa.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy ang motibo ng suspek sa naturang pagpapasabog ng granada.

Read more...