Pilipinas pang-20 na sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19

Umakyat ang Pilipinas sa pang-20 sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Ito ay makaraang umabot na sa 314,079 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa world ranking, ang Pilipinas ay sumusunod sa Italy na mayroong 320,070 COVID-19 cases.

Sa ASEAN ranking naman, nangunguna pa rin ang Pilipinas na mayroong pinakamaraming kaso.

Pero pumapangalawa lang ang Pilipinas sa Indonesia sa bilang ng mga aktibong kaso.

 

 

Read more...