Baguio, nakapagtala ng 23 bagong COVID-19 recoveries

Umabot sa 29 residente sa Baguio City ang nagpositibo sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (October 1), umabot na sa 977 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

23 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 531 na ang total recoveries sa Baguio City habang 14 na ang death toll.

Samantala, sa suspected cases, nasa 3,022 ang aktibo habang 3,136 ang naka-recover.

Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 10,432 na residente habang 19,283 ang nakatapos na.

Read more...