205 kaso ng COVID-19, nadagdag sa Western Visayas

Nagpositibo ang 205 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang October 1, umakyat na sa 11,811 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

4,101 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 73.98 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

275 naman ang gumaling pa kaya 7,460 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umabot naman sa 250 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...