Bilang ng ridership sa apat na rail lines, umabot sa 17.91-M

Umabot sa mahigit 17.91 milyon ang bilang ng ridership ng apat na rail lines, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa kagawaran, ito ay simula nang magbalik-operasyon ang mga tren nang isailalim ang National Capital Region (NCR) sa general community quarantine (GCQ) phase 1 at 2 noong June 1.

Sa datos ng DOTr, nasa 17,919,775 ang ridership ng Light Rail Transit Line 1 at 2, Metro Rail Transit Line 3 at Philippine National Railways.

Naitala ang nasabing bilang simula June 1 hanggang September 30.

Narito ang bilang ng ridership sa mga sumusunod na rail lines:
LRT-1 – 8,728,219
LRT-2 – 2,564,243
MRT-3 – 5,040,243
PNR – 1,587,070

Tuloy na ang operasyon ng mga nabanggit na rail lines sa ilalim ng partial, gradual at calibrated approach na may limitadong kapasidad, social distancing at sanitary measures.

Read more...