Dalawang private emission testing centers, sinuspinde ng DOTr

Sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang dalawang private emission testing centers.

Ayon sa kagawaran, sa pamamagitan ng Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES), naglabas ng preliminary suspension order (Department Order 2016-017) dahil sa pamemeke ng emission test results.

Kabilang sa pinatawan ng suspensyon ang mga sumusunod:

– Nobo Air Enterprise
(National Highway, Brgy. Biñan, Pagsanjan, Laguna)

– Nobo Air Enterprise
(Maharlika Highway, Brgy. Lusacan, Tiaong, Quezon)

Epektibo ang suspensyon sa loob ng 90 araw.

Babala ng DOTr sa mga IT Service Provider, posible silang mapatawan ng parusa kapag nagpatuloy sa pagproseso ng mga datos na galing sa mga suspendidong emission centers.

Read more...