Mga pulis na tinamaan ng COVID-19, lagpas 6,000 na

Aabot sa 40 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (October 1), 6,030 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,170 ang aktibo pang kaso.

59 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,843 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 17 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...