Sinabi pa ng senador na ang malaking proyekto ay magbibigay ng trabaho, na aniya ngayong pandemiya ang talagang kailangan ng marami sa mga Filipino.
Ito aniya ang dalawang dahilan kayat sinusuportahan niya ang panukala para mabigyan ng prangkisa ang San Miguel Aerocity Inc., at maitayo na ang modernong airport sa Bulakan, Bulacan.
“This project is a prime example of how the public and private sectors can work hand in hand in building a better future for our people,” Go said in his manifestation of support for San Miguel’s efforts.
Pasisiglahin din aniya ng airport ang ekonomiya sa Gitnang Luzon.
Pagdidiin din ni Go, malaking tulong ang proyekto sa Balik Probinsiya, Bagong Pag-Asa Program na layon mahikayat ang mga taga-Metro Manila na umuwi ng kanilang probinsiya at doon magsimula ng panibagong buhay tungo sa kanilang pag-asenso.