2 taong gulang na lalaki sa Tuguegarao City, tinamaan ng COVID-19

Nadagdag ang dalawang taong gulang na lalaki sa bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Tuguegarao City.

Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, lumabas na positibo sa nakakahawang sakit ang pasyente sa araw ng Huwebes, October 1.

Nakatira ang pasyente sa bahagi ng Caggay.

Walang travel of history ang bata subalit nahawa ito sa kaniyang ina at taga-alaga na nagpositibo rin sa COVID-19.

Simula pa noong September 27, nakaranas na ng ubo at pagsusuka ang bata kung kaya naka-confine ito sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC)

Samantala, asymptomatic naman o walang nararamdamang sintomas ang ina ng bata at nakasailalim sa home quarantine.

Read more...