Naniniwala si Mamba na sa pamamagitan ng lockdown, malilimitahan ang galaw ng mga tao, lalo na ang mga labas-pasok sa lungsod.
Nangangamba ito na kapag dumami pa ang kaso ng local transmission ay ‘mahawa’ na ang mga katabing bayan ng Solana, Penablanca, Iguig at Enrile.
“Tuguegarao is a big problem now. I think its time to lockdown the city so that there is no movement. Lockdown first so that no one comes and out and enters for the next two weeks,” aniya.
Inatasan niya ang pamahalaang-lungsod na pag-aralan ang kasalukuyang quarantine classification at magpatupad ng mga konkretong hakbang para mabawasan ang mga kaso.
Ipinatitigil na rin ni Mamba ang home quarantine maging sa mga asymptomatic patients sa lungsod at dadalhin sila sa quarantine facility sa paniniwalang ito ang dahilan kayat nahahawa ang ibang miyembro ng pamilya.
Sa huling datos, may 73 aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.