Mga gumaling sa COVID-19 sa Muntinlupa City, 3,955 na

Nasa 4,301 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (October 1), sa nasabing bilang ay 202 ang aktibong kaso.

625 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 215 ang suspected cases.

Samantala, 3,955 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 144 naman ang nasawi.

Read more...