Ito ay base sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) bandang 8:00, Huwebes ng umaga (October).
Ayon sa DepEd, tinatayang 24,720,714 na ang bilang ng enrollees sa bansa.
Katumbas ito ng 89.01 porsyento ng enrollees noong School Year 2019-2020.
Sa nasabing bilang, 22,500,863 mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang 2,165,196 naman ang nasa private schools.
Karamihan sa naitalang kabuuang bilang ng enrollees ay elementarya students na nasa 11,848,909.
Umabot naman sa 7,807,946 ang mga nakapag-enroll sa Junior High School at 2,836,518 sa Senior High School.
Nasa 1,760,923 na mag-aaral ang nag-enroll sa Kindergarten habang 394,274 sa Alternative Learning System.
72,144 naman ang learner with disabilities (non-graded) na nakapag-enroll.
Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng enrollees.