Seattle, USA niyanig ng pagsabog, 9 na bumbero sugatan

 

Nabulabog ang Seattle sa isang pagsabog ng natural gas na tumupok sa ilang mga gusali at ikinasugat ng ilang bumbero.

Bukod sa 9 na bumberong nasugatan at dalawang gusaling nasugatan, nag-sanhi rin ng pag-yanig ang malakas na gas explosion sa lugar na ikinabasag ng mga bintana ng mga sasakyan, gusali at bahay sa paligid ng lugar.

Naganap ang pagsabog ala-1:45 ng madaling araw, Miyerkules, oras sa Seattle, sa may panukulan ng Greenwood Avenue North at 85th Avenue North.

Ayon sa ulat ng KING television network, may ini-report na natural gas leak sa lugar 40 minuto bago ang pagsabog.

Sa sobrang lakas ng pagsabog, narinig pa ito sa Shoreline na 10 milya ang layo sa north downtown ng Seattle, kaya agad na rumesponde ang mga bumbero.

Ayon naman kay Seattle fire chief Harold Scroggins, mayroon pa ring leak pagdating ng umaga ng Miyerkules, ngunit wala naman na itong panganib sa publiko.

Kilala ang lugar na iyon sa maraming mga kainan at bars, na kinaroroonan rin ng ilang mga tahanan.

Read more...