Ayon sa PAGASA, ang naitalang maximum temperature sa linggong ito na 35 hanggang 36 degrees celsius ay tataas pa kapag nag-peak ang summer sa buwan ng Abril.
Noong March 1, naitala sa General Santos City ang pinakamataas na temperatura ngayong 2016 na nasa 38.6 degrees celsius.
Mararamdaman ang matinding epekto ng El Niño sa summer pero sinabi naman ng PAGASA na ang tagtuyot ay hindi kasing-lawak gaya ng pinangangambahan.
Sa huling tala ay may tagtuyot sa labing-siyam na probinsya ngayong buwan ng Marso.
Samantala, idinagdag ng PAGASA na hindi pa tuluyang nawawala ang amihan dahil patuloy na nararamdaman ang malamig na hangin sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon.
Sinabi ni Dr. Esperanza Cayanan ng PAGASA weather division na papasok na ang tag-init pero imminent pa lang dahil hindi pa nakikita na wala ng mararanasang northeasterlies.