Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 19,099 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Huwebes ng umaga (October 1).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 2,962 o katumbas ng 15 porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
15,590 o 82 porsyento naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 547 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 18,842 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES