Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Zone 7, Barangay Looc bandang 10:00 ng gabi.
Naaresto ang drug suspect na si Predionne Elejorde, 36-anyos na residente ng kaparehong barangay.
Nakumpiska kay Elejorde ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6,800.
Maliban dito, nakuha rin kay Elejorde ang isang itim na pouch, cellular phone at ginamit na buy-bust money.
Mahaharap si Elejorde sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MOST READ
LATEST STORIES