2 Pinay, binuhusan umano ng kumukulong tubig ang isang bata sa Kuwait

 

Inireklamo ng Kuwaiti na ama ng dalawang taong gulang na bata ang dalawa nilang Pinay na kasambahay, dahil umano sa pagba-banli ng mainit na tubig sa kaniyang anak.

Ayon sa isang ulat sa Arab Times, nagsumbong na ang ama ng bata sa Adan police station pagkatapos umanong tumakas ang dalawang Pilipina sa bahay ng kanilang amo.

Nag-sumite rin ng medical report ang ama ng bata, na nagpa-pakitang nag-tamo ng second-degree burns ang kaniyang anak na batang babae.

Sinabi rin sa Arab Times na pinaghahanap na ng mga pulis ang dalawang Pilipina.

Wala pa namang komento ang Department of Foreign Affairs (DFA) ukol dito.

Read more...