Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Miyerkules (Oct. 1) ay 34,153,075 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 329,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 41,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 86,700 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala ng dagdag na 33,200 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 7,447,282
India – 6,310,267
Brazil – 4,813,586
Russia – 1,176,286
Colombia – 829,679
Peru – 814,829
Spain – 769,188
Argentina – 751,001
Mexico – 743,216
South Africa – 674,339