Mga tindahan sa dalawang palengke sa Antipolo ipinasara dahil sa paglabag sa health and safety protocols ng mga vendor

Pansamantalang ipinasara ang ilang mga tindahan sa dalawang palengke sa Antipolo City matapos matuklasan ang paglabag ng mga vendor.

Ayon sa Antilpolo City LGU, nag-ikot ang Joint Inspection Teams sa Tri Star Agora Market at CMMK sa Barangay San Roque para tignan kung nasusunod ang mga minimum health and safety protocols.

Natuklasang madaming vendors ang lumabag sa mga patakaran kaya ipinasara muna ng BPLO at City Health Office ang mga tindahan.

Kasalukuyan na din pinag-aaralan ng City Legal Office kung anu-ano ang mga pananagutan ng management ng palengke sa hindi pagsunod sa Health and Safety protocols ng IATF.

Bukod dito, natuklasan din na ilang buwan nang sira ang kanilang STP (Sewerage Treatment Plant) kaya mabaho at maduming tubig o sewer ang kanilang tinatapon araw-araw at diretsong dumadaloy sa ilog.

 

Read more...