92 police trainees sa Baguio City nagpositibo sa COVID-19

Umabot na sa 92 police trainees sa Baguio City ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Baguio City Police Office Director Allen Rae Co, mayroon pang mahigit 200 trainees na close contacts ng mga nagpositibo ang nakasailalim sa quarantine.

Ang mga nagpositibo sa sakit ay bahagi ng mahigit 400 police trainees na sumasailalim sa field training sa lungsod.

Sila ay sinimulang ideploy noong Marso bilang bahagi ng kanilang pagsasanay, at nanilbihan sa lungsod sa nakalipas na anim na buwan bilang frontliners sa COVID-19 response.

Sinabi ni Co na karamihan sa kanila ay nakatalaga sa quarantine checkpoints, lockdowns sa mga barangay , mga palengke at iba pa.

Sa kabila ng pagkakaroon ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang police trainees sinabi ni Co na sapat ang tauhan ng BCPO para makatugon sa problema ng lungsod sa COVID-19 pandemic.

 

 

 

Read more...