Sa kabila kasi ng pahayag ng militar na unti unti na nilang nalilipol ang mga kalaban, tuloy pa rin ang mga insidente ng karahasan na gawa ng mga local terrorist group sa Mindanao at nakapagtataka kung saan kumukuha ng armas at bala ang mga ito.
Paliwanag ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, posibleng naipon pa ng mga grupong ito ang mga armas na nauna nang napabalita noong mga nakalipas na panahon na binili umano sa ilang pulis at sundalo.
Posible rin umano na mga nakukuha nila sa pwersa ng gobyerno ang mga armas at bala sa mga insidente ng kanilang pag atake.
Sa kabila nito, iginiit ni Padilla na hindi naman dire-diretso ang mga pag atake kundi manakanaka na lamang na nangangahulugan na hindi ganoon katatag ang resources sa armas at bala ng mga kalaban.
Giit pa ni Padilla, karamihan sa mga pag atake ngayon ng mga armadong grupo ay para lamang mangikil ng pera, mapansin at makilala.