Sulat ng NBI sa DOJ, lalong magpapatibay sa kaso laban kay Lt. Col. Marcelino ayon sa PNP-AIDG

marcelino1Lalo pa umanong nagdiin kay Lt. Col. Ferdinand Marcelino ang isinumiteng sulat ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice sa kaso nito laban sa ilegal na droga.

Ayon kay PNP-Anti Illegal Drugs Group Spokesman Chief Insp. Roque Merdegia, malaking tulong ang sulat ng NBI para tumibay ang kaso laban kay Marcelino at sa kasama nitong Chinese national na si Yan Yi Shou.

Sa sulat ng NBI-Anti-illegal Drugs Division (AIDD) na may petsang Pebrero 26, 2016 na pirmado ni Executive Officer Atty. Jerome Bomediano, itinatanggi dito ang anumang dokumentong galing sa kanila na nagsasabing katuwang nila si Marcelino sa operasyon nang natagpuan ito sa isinagawang drug raid sa isang shabu lab sa Celadon Residences sa Sta Cruz Maynila noong January 21.

Itinatanggi rin sa sulat na action agents nila si Marcelino at Shou sa kaso ng nadiskubreng crime lab.

Ang sulat ay isinumite ng NBI sa executive session na hiniling ni Marcelino sa pagpapatuloy ng preliminary investigation ng kanyang kaso sa DOJ.

Read more...