No Beep Card, No Ride Policy ipatutupad na sa EDSA Busway simula ngayong araw

Simula ngayong araw, October 1, 2020 ipatutupad na ang “no beep card, no ride policy” sa mga bus na bumibiyahe sa EDSA Busway.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) bahagi ito ng hakbang para mabawasan ang physical contact sa mga pampublikong sasakyan.

Ito ay upang mabawasan ang banta ng pagkakaroon ng hawaan sa COVID-19.

Inaasahan din na mas mapabibilis ang transaksyon at mababawasan ang waiting time at pila ng mga pasahero.

 

 

 

 

 

Read more...