Bayabas, Surigao del Sur walong beses na niyanig ng lindol sa magdamag
By: Mary Rose Cabrales
- 4 years ago
Nakapagtala ng walong may kalakasang mga pagyanig sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.2 na pagpaynig sa 59 kilometers northeast ng bayan ng Bayabas, alas-12:54 madaling araw ng Huwebes (October 1) at may lalim na 14 kilometers.
Sumunod na naitala ang magnitude 4.0 na pagyanig sa 72 kilometers northeast ng bayan pa rin ng Bayabas, alas-3:41 ng madaling araw at may lalim na 13 kilometers.
Magnitude 4.2 naman na pagpaynig ang naitala sa 58 kilometers northeast ng bayan pa rin ng Bayabas, alas-3:56 ng madaling araw at may lalim na 10 kilometers.
Naitala naman ang magnitude 3.0 na pagpaynig sa 76 kilometers northeast ng bayan pa rin ng Bayabas, alas-4:00 ng madaling araw at may lalim na 1 kilometer.
Samantala, ayon sa Phivolcs, naitala pa ang magnitude 4.4 na pagpaynig sa 62 kilometers northeast ng bayan ng Bayabas, alas-5:08 madaling araw ng Huwebes (October 1) at may lalim na 7 kilometers.
Naitala din ang magnitude 4.9 na pagyanig sa 75 kilometers northeast ng bayan pa rin ng Bayabas, alas-5:13 ng madaling araw at may lalim na 1 kilometer.
Magnitude 3.7 naman na pagpaynig ang naitala sa 66 kilometers northeast ng bayan pa rin ng Bayabas, alas-5:19 ng madaling araw at may lalim na 9 kilometers.
Magnitude 4.2 alas 5:53 ng umaga sa 65 kilometers northeast ng Bayabas.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Ang pagyanig ay aftershock ng nagnitude 5.7 na lindol sa lugar noong September 21.