Baganga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.1 at 3.4 na lindol

Dalawang beses niyanig ng may kalakasang lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 4.1 na pagyanig sa 79 kilometers northeast ng bayan ng Baganga, alas-4:47 madaling araw ng Huwebes (October 1) at may lalim na 11 kilometers.

Sumunod naman na naitala ang magnitude 3.4 na pagyanig sa 79 kilometers northeast ng bayan ng Baganga, alas-4:51 ng madaling araw at may lalim na 22 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian,intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

Read more...