COVID-19 cases sa Eastern Visayas, lagpas 4,700 na

Nadagdagan ng 31 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 961 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Miyerkules ng gabi (September 30), 4,715 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 643 o 13.64 porsyento ang aktibong kaso.

Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 4,030 o 85.47 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nanatili naman sa 42 ang mga residenteng nasawi o 0.89 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...