Higit 200 kaso ng COVID-19, nadagdag sa Western Visayas

Nagpositibo ang 205 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang September 30, umakyat na sa 11,611 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

4,179 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 73.56 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

178 naman ang gumaling pa kaya 7,186 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umabot naman sa 246 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...