Sunog, sumiklab sa isang residential area sa Manila

Manila PIO photo

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Sampaloc, Maynila Miyerkules ng gabi (September 30).

Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), apektado nito ang bahagi ng San Anton.

Umabot na sa ikatlong alarma ang sunog at patuloy pa ring inaapula ng mga bumbero.

Hindi pa rin matukoy kung ano ang pinagmulan ng sunog sa nasabing lugar.

Manila PIO photo
Read more...