PNP travel authority, hindi kailangan sa Boracay trip – DOT

Hindi na kakailanganin pang kumuha ng travel authority mula sa Philippine National Police o PNP ang mga lokal na turista na magtutungo sa isla ng Boracay.

Ito ang paglilinaw ni Tourism Sec. Bernadette Puyat at aniya, sapat na ang negatibong resulta ng swab test na ipiprisinta 48 hanggang 72 oras bago ang biyahe.

Tugon ito ni Puyat sa mga tanong ukol sa mga dokumento na hinihingi ng airline companies na bumibiyahe sa Caticlan (Boracay).

Kinakailangan lang din aniya na may online health declaration forms ang mga bibiyahe pati confirmed accommodation bookings bago sila pasasakayin ng eroplano.

Bukod dito, may abiso din ang DOT – Western Visayas sa mga magtutungo sa Boracay na itago ang kanilang tourist QR codes para sa mga kakailanganin serbisyo sa pamosong isla.

Read more...