Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas City, lagpas 4,900 na

Nasa 11 ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (September 30), umakyat na sa kabuuang 4,909 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 207 ang aktibong kaso o katumbas ng 4.2 porsyento.

16 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,562 na ang total recoveries o 92.9 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Umakyat naman sa 140 ang pumanaw o 2.9 porsyento.

Read more...