Mga naka-recover sa COVID-19 sa Muntinlupa City, nasa 3,916 na

Nasa 4,272 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (September 30), sa nasabing bilang ay 213 ang aktibong kaso.

575 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 225 ang suspected cases.

Samantala, 3,916 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 143 naman ang nasawi.

Read more...