375 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

Umabot sa 375 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Martes ng hapon (September 29), hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (September 30).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 207 kung saan 125 ang adult habang 82 ang menor de edad.

Sumunod dito ang hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 145.

Anim naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, dalawa ang nahuling walang suot na damit pang-itaas habang siyam sa iba pang ordinansa.

Read more...