Ito ay matapos aprubahan ni Mayor Joy Belmonte ang Ordinance No. SP-2942.
Ayon sa alkalde, bilang bahagi na ng tinatawag na ‘new normal’ ang pagbibisikleta, nais nilang maging mas ligtas ang pagbiyahe sa lungsod.
“Makatutulong ang pagsusuot ng helmet upang maging maayos ang ating pagbiyahe at para ligtas tayong makarating sa ating pupuntahan,” pahayag ni Belmonte.
Itinalaga ang Department of Public Order and Safety ng lungsod bilang lead agency sa istriktong pagpapatupad nito.
Sinumang mahuling lumabag sa naturang ordinansa ay papatawan ng multang P1,000 para sa first offense, P3,000 para sa second offense, at P5,000 para sa third offense.
Kamakailan, sinimulan ni Belmonte ang implementasyon ng Bike Lane Project, isang short-term initiative na layong magbigay ng ligtas na lugar para sa mga indibidwal na gumagamit ng bisikleta bilang alternatibong transportasyon sa gitna ng umiiral na community quarantine.
Bahagi ng first phase ng proyekto ang pagsasaayos ng bike lanes at pagpapalit ng mga temporary at semi-permanent traffic separation devices.