Sen. Francis Tolentino, binigyan ng ‘last chance’ si Housing Sec. del Rosario

SENATE PRIB PHOTO

Pinagbigyan pa ni Senator Francis Tolentino si Housing Secretary Eduardo del Rosario para makuha ang kumpirmasyon sa Commission on Appointments ng kanyang ad interim appointment.

Sinabi ni Tolentino, na siyang namumuno sa komite, sinuspinde na lang nila ang confirmation hearing ni del Rosario para mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro na makaboto sa ‘secret balloting.’

Pagbobotohan kung palulusutin na ang namumuno sa Department on Human Settlements and Urban Development.

Sinuspinde ang pagdinig base sa mosyon ni Davao Oriental Rep. Joel Almario.

Dalawang beses nang humarap si del Rosario sa CA ngunit ipinagliban ang kanyang kumpirmasyon dahil sa mga tanong ng ilang mambabatas mula sa Mindanao ukol sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Read more...