Kapalaran ng House Speaker, nakasalalay pa rin sa mayorya ng mga kongresita

Nanindigan si House Deputy Speaker LRay Villafuerte na ang mayorya pa rin ng kongresista ang magpapasya sa usapin sa pagpapalit ng Speaker.

Ayon kay Villafuerte, igagalang at kikilalanin ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang kasunduan sa pagitan nila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ngunit nasa mga miyembro pa rin ng Kamara ang pagpapasya sa kung sino ang pipiliing maging lider.

Kailangan aniyang makumbinsi ni Velasco ang mga kongresista na walang magiging palitan sa Committee Chairmanships at maipapasa nang maayos ang pambansang pondo.

Sinabi pa ni Villafuerte na sa nangyaring pulong, Martes ng gabi (September 29), ay sinabi mismo ni Cayetano kay Pangulong Rodrigo Dutertre na handa siyang bumaba sa pwesto magkagayunman ay wala din siyang magagawa kung panatilihin siyang Speaker ng mga kasamahang mambabatas.

Pahayag ito ni Villafuerte kasunod ng balitang sa October 14 ay papalitan na ni Velasco si Peter Cayetano alinsunod na rin sa kanilang ’15-21 term-sharing agreement’ matapos ang ginawang pulong kasama si Pangulong Duterte.

Read more...