Train speed ng MRT-3, dadagdagan simula Oct. 1

Simula sa araw ng Huwebes, October 1, mas magiging mabilis na ang biyahe ng mga pasahero at mababawasan ang paghihintay sa train arrivals ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), dadagdagan ang train speed hanggang 40 kilometers per hour, mula sa kasalukuyang 30 kilometers per hour.

Sinabi ng kagawaran na resulta ito ng paglalagay ng bagong long-welded rails (LWRs) sa lahat ng istasyon ng MRT-3 bilang bahagi ng malawakang rehabilitasyon sa nasabing linya ng tren.

Unti-unting dadagdagan ang operating speed mula sa 40kph sa October, hanggang sa 50kph sa November at 60kph sa December 2020.

“Our commuters have suffered enough from the past. It is only right that we give them back their dignity in commuting using the MRT-3,” ani Transportation Secretary Arthur Tugade.

“Noong mga nakaraang buwan, naiayos natin ang mga bagon, ang mga aircon, maging ang mga elevator at escalator. Noong isang linggo, nagawa nating magpatakbo ng record-breaking number of trains sa MRT-3. Patunay lamang ‘yan na may Covid o wala, tuloy ang trabaho ng DOTr at ng MRT-3,” dagdag pa nito.

Tuluy-tuloy ang rail replacement works sa MRT-3 sa panahon ng enhanced community quarantine at Modified ECQ period kung saan 9,216 (13.98 porsyento) linear meters ang nakumpleto.

“After being able to increase the number of running trains, our next target is to increase the speed of our trains in the mainline, until it reaches 60kph. With the help of our rehabilitation and maintenance providers, Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries, we assure the public that a better performance and a brighter future may be expected from the MRT-3,” pahayag ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati said.

Buwan-buwan aniyang nagsasagawa ng system check para masuri ang alignment ng bagong tracks, Overhead Catenary System (OCS), at signaling at communications upang matiyak na ligtas ang mga tren.

Sa pagbabago ng running speed, inaasahang bababa sa 6.5 hanggang 7 minuto ang paghihintay sa mga tren.

Read more...