Sa datos na inilabas ng QC LGU, ang nasabing bilang ay validated na ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.
Sa 18,918 na mga kaso, 3,013 na lang ang aktibo; 15,361 ang gumaling na at 544 ang nasawi.
Ayon sa QC LGU, ang mga report na lalabas linggu-linggo at kada dalawang linggo ay magpapakita ng mas komprehensibong datos at kabuuang trend ng COVID-19 sa lungsod.
Hinihikayat ang lahat ng residente na basahin at unawain ang mga report na ito upang mas maintindihan ang paliwanag sa mga kaso.
MOST READ
LATEST STORIES