Grupong “Hands Off Our Children” pinadudulog sa korte

Hinihimok ng Palasyo ng Malakanyang ang pamunuan ng Hands Off Our Children Facebook page na dumulog sa korte.

Ito ay para kwestyunin ang pag-take down ng Facebook sa kanilang account.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mas makabubuti kung titingnan kung ano ang magiging ruling ng korte sa naturang usapin.

Censorship na aniya ang ginawa ng Facebook nang i take down ang mga account na nagsusulong ng adbokasiya ng pamahalaan.

Naghihintay aniya ang buong planeta ng jurisprudence.

Nakadidismaya ayon kay Roque dahil tinake down ng Facebook ang account nang hindi man lang natutukoy kung ito ay isang fake account.

 

 

Read more...