Binigyan lang ng PET ang Comelec at OSG ng 20-araw para magsumite ng komento.
Ang ibang partido naman ay binigyan ng 15 araw para sagutin ang magiging komento ng Comelec at OSG.
Inatasan din ng PET ang Comelec na iulat kung mayroong mga naihaing petisyon kaugnay sa failure of elections sa mga lalawigan ng Lanao Del Sur, Basilan at Maguindanao.
Ang resulta ng eleksyon sa tatlong nabanggit na lalawigan ay pinapawalang-bisa ni Marcos sa PET dahil sa pagkakaroon umano ng insidente ng terrorism, intimidation, at pre-shading ng balota.
Pinagkokomento ang Comelec at OSG kung ang PET ay maaring magdeklara ng annulment of elections nang walang gagawing special elections, at magdekalra ng failure of elections at ipag-utos ang special elections.