General Luna, Surigao del Norte niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 34 kilometers northeast ng General Luna, alas-9:06 umaga ng Miyerkules (September 30).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

Read more...