Ospital ng Tondo magbubukas ng Telemedicine

Magkakaroon na ng Telemedicine ang Ospital ng Tondo sa Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang Telemedicine ng naturang ospital ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Bahagi aniya ito ng pagpapaigting ng Manila City LGU sa medical at healthcare services sa mga district hospitals.

May mga itinakdang araw at oras ng konsultasyon depende sa pangangailangang medical ng pasyente.

Maaring tumawag muna sa 0933-589-8484 para makapagpa-schedule.

 

 

Read more...