Kasunod ito ng mga bali-balitang mauupo na bilang house speaker ng Kamara si Velasco matapos ang pag-uusap na naganap kahapon sa Malakanyang kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni Atienza na para sa mangilan-ngilang kongresista na may tagong pork barrel pa din, hindi ito makalulusot kay Velasco.
Sinabi din ni Atienza na walang magiging epekto sa pagpasa ng national budget ang pagpapalit ng liderato ng kamara.
Ang kailangan lang aniya ay panatilihin muna ni Velasco ang mga kasalukuyang posisyon sa mababang kapulungan upang hindi maantala ang pagtalakay sa pambansang budget.
Saka na lamang aniya magpalit ng mga liderato kapag nagkaroon na ng assessment ay kapag nakita na ang performance ng mga mambabatas.
Payo naman ni Atienza kay House Speaker Alan Peter Cayetano, tigilan na ang pagsisinungaling at sa halip ay magtulungan na lamang sila sa kamara.