Sampung volcanic earthquake naitala sa Mt. Kanlaon

Nakapagtala ng sampung volcanic earthquake sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag.

Batay sa Kanlaon Volcano Bulletin ng Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER, may naitala ring mahinang steaming activity sa bulkan na umabot sa 400 meters hanggang 1,000 meters ang taas.

Ang sulfur dioxide na naitala sa bulkan noong Sept. 28 ay umabot sa 396tonnes/day ang average.

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 (Abnormal) sa Mt. Kanlaon at pinayuhan ang publiko na iwasan ang pagpasok sa permanent danger zone ng bulkan.

 

 

Read more...