Epektibo simula 12:01 ng umaga, Setyembre 30 hanggang 11:59 ng gabi ng Oktubre 13 ang ECQ sa Batanes.
Malilimitahan na ang galaw ng mga residente para maiwasan ang pagkalat ng sakit matapos maitala na isang 29-anyos na locally stranded individual o LSI mula sa Sta. Rosa City sa Laguna ang unang kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
Nabatid na asymptomatic ang pasyente at inilagay na ito sa isang isolation facility.
Mahigpit na ring ipapatupad ang health protocols tulad ng pagsusuot ng mask at face shield, physical distancing at proper hygiene sa lahat ng mga establismento at opisina sa lalawigan.
Ipagbabawal na rin ang mga pagtitipon at lilimitahan sa isa sa bawat bahay at edad 21 hanggang 60, ang maaaring lang makalabas para sa kanilang mga pangangailangan.